Home METRO Labi ng sanggol umalingasaw sa basurahan sa Baseco

Labi ng sanggol umalingasaw sa basurahan sa Baseco

MAYNILA, Pilipinas — Isang patay na sanggol ang natagpuan sa tumpok ng basura sa Baseco Compound, Maynila, noong Huwebes ng gabi.

Ayon sa CCTV footage, dalawang lalaki ang nakakita sa katawan ng sanggol na nakabalot sa duguang kumot malapit sa seawall ng Block 15 bandang alas-10 ng gabi.

Sinabi ni Barangay 649 desk officer Nearwin Surposa na isang babae ang nakitang naghahalungkat ng basura nang matuklasan ang bangkay. Patuloy pang nire-review ang CCTV para matukoy kung sino ang nagtapon ng sanggol.

Agad na kinordon ang lugar at kinuha ng funeral service personnel ang katawan ng sanggol.

Ayon kay Surposa, mas mainam sanang inilibing na lang agad ang bata sa sementeryo. Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang kilalanin ang responsable sa insidenteng ito. RNT