Home NATIONWIDE Suplay ng tubig sapat sa kabila ng malaimpyernong init – Malakanyang

Suplay ng tubig sapat sa kabila ng malaimpyernong init – Malakanyang

MANILA, Philippines – HINDI TUTULUGAN ng gobyerno sakali’t magkaroon ng pagkukulang sa suplay ng tubig sa gitna ng nararanasang matinding init sa bansa.

“Kung meron po talagang pagkukulang sa water supply, agad-agad din po na kikilos po ang pamahalaan,” diing pahayag ni Palace Press Officer at Communications Undersecretary Claire Castro.

Siniguro ni Castro sa publiko na nananatiling mahalaga ang tubig sa kabila ng nararanasang matinding init sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

“As of the moment siyempre kailangan din po natin itong paghandaan,” anito.

Nauna rito, sinabi ni Castro na nakahanda ang gobyerno na magpatupad ng kinakailangang hakbang para labanan ang posibleng matinding epekto sa agrikultura at ekonomiya dahil sa tumataas na heat index.

“Siyempre po lagi pong maghahanda ang pamahalaan patungkol dito,” aniya pa rin.

“Kung ito po ay makakaapekto sa ekonomiya natin ay tayo po ay laging maghahanda patungkol diyan,” dagdag na wika ni Castro. Kris Jose