MANILA, Philippines – Dumating na sa Metro Manila ang mga labi ni dating Department of Public Works and Highways undersecretary Maria Catalina Cabral madaling araw ng Linggo, Disyembre 21.
Ang kanyang katawan ay dumating 3:21 ng umaga matapos umalis sa Benguet 11:30 ng gabi ng Sabado.
Kinumpirma ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na ang labi ng babaeng natagpuan sa Tuba, Benguet ay kay Cabral.
“Yes, DNA, fingerprints results are consistent na siya ‘yun,” ani Remulla.
Samantala, sa hiwalay na panayam ay sinabi ni Remulla na walang nakitang foul play sa pagkamatay ni Cabral. RNT/JGC