MANILA, Philippines – Nagsagawa ng kilos protesta ang ilang labor group sa harap ng tanggapan ng Department of Justice (DOJ) upang ipanawagan sa kasalukuyang administrasyon na palayain ang mga nakakulong na unyonista.
Ikinasa ang protesta kasabay ng unang araw ng Confirmaction of Charges ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa The Hague kaugnay sa War on drugs campaign.
Ayon sa grupo, ilang taon nang nakakulong ang mga lider ng unyon dahil sa gawa-gawang kaso.
Ilan din sa mga nakakulong na lider ng unyon, aktibista at grupo ay nakulong matapos i-red tag ng dating administrasyon.
Dagdag pa ng grupo, mula sa mahigit 40 political prisoners mula sa hanay ng mga manggagawa noong simula ng kasalukuyang administrasyon, bumaba na umano ito sa 18.
Panawagan nila kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pabilisin ang pagbasura sa mga kaso at tiyakin ang agarang pagpapalaya sa mga nakakulong na labor activity. Jocelyn Tabangcura-Domenden








