Home NATIONWIDE Labor groups nanawagan kay PBBM: Proposed P150 legislated wage sertipikahang urgent

Labor groups nanawagan kay PBBM: Proposed P150 legislated wage sertipikahang urgent

134
0

MANILA, Philippines – Nanawagan ang mga labor group nitong Lunes, Hulyo 15 para kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sertipikahan nang urgent ang panukalang P150 na dagdag sa minimum wage sa private sector employees.

Ang panawagang ito ng National Wage Coalition (NWC) ay isang linggo na lamang bago ang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Marcos sa Hulyo 22.

“‘Yung mga panukalang batas natin na nakabinbin sa Kongreso, ‘yun na lang ang tanging pag-asa natin upang makadama ang ating manggagawa ng sapat na dagdag-sahod,” sinabi ni Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) Legislative Officer Paul Gajes sa media briefing.

“’Yung P35 na binigay ng Regional Wage Boards (RWB), hindi sasapat yun,” dagdag ni Gajes.

Ang koalisyon ay binubuo ng mga workers’ organization kabilang ang SENTRO, Nagkaisa, TUCP, at Bukluran ng Manggagawang Pilipino.

Bukod sa Pangulo, hinimok din nila si Speaker Martin Romualdez pa pabilisin ang pagpasa ng panukalang batas sa Kamara.

“Sa tingin ng NWC, nararapat na bigyang-pansin ng Pangulo. I-certify na as urgent itong pending bills na ito at ang Kamara… sana naman i-expedite na itong bills na to,” ani Gajes.

Ngayong buwan ay inaprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ang P35 hike sa arawang sahod ng mga manggagawa sa National Capital Region (NCR).

Dahil dito ay tumaas ang minimum wage mula P610 hanggang P645 para sa non-agriculture sector.

Sa kabila nito, iginiit ni Gajes na hindi sapat ang naturang wage hike.

“It’s high time that the President and Speaker of the House show their genuine concern for the underprivileged and heed the cause of the united Filipino workers for sustainable and livable wages. ‘Yung P35 just won’t do,” dagdag pa niya.

Isinusulong ng MWC ang pagpasa ng legislated wage hike.

Noong Pebrero, sinabi ni Cavite lawmaker Jolo Revilla na mayroong 77 House members ang susuporta sa P150 legislated wage hike.

Sa kaparehong buwan, inaprubahan ng Senado ang P100 legislated wage hike para sa mga empleyado ng pribadong sektor. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here