MANILA, Philippines – Naghain ng kandidatura ang labor leader at abogado na si Sonny Matula nitong Sabado, Oktubre 5 sa pagka-senador para sa 2025 national and local elections.
“Magsisimula tayo sa nakabinbin na P150 (daily minimum wage) sa House of Representatives at yung P100 (daily minimum wage) na sinulong at naaprobahan na sa senado,” ani Matula.
Dagdag pa niya, sa oras na makakuha ng pwesto sa Senado ay pagsisikapan niyang protektahan ang mga manggagawa sa pagbuo ng mga union at pagtigil sa kontraktwalisasyon.
“Dapat ang mga managgagawa ay hindi kontrakltual sa regular na trabaho,” sinabi pa ni Matula.
Si Matula ay national president ng Federation of Free Workers at chairperson ng Nagkaisa Labor Coalition.
Tumakbo Siyang senador noong 2019 at 2022 ngunit nabigong makapasok sa Magic 12. RNT/JGC