Home ENTERTAINMENT Rhian, nag-birthday, namigay ng 20 siomai carts!

Rhian, nag-birthday, namigay ng 20 siomai carts!

224
0

Manila, Philippines – Sa ibang paraan ipinagdiwang ni Rhian Ramos ang kanyang mismong 34th birthday.

The Kapuso actress saw fit to celebrate it sa dating Manuel L. Quezon University.

No, walang birthday show kung saan may mga nag-pertorm na kapwa artista.

Mala-charity event ‘yon kung saan namahagi si Rhian ng 20 siomai carts.

Dubbed as Siomai Ko, Siomai Mo, SioMaynila, ang mga beneficiaries ng proyektong ito whose title ay ideya niya ay mga single moms.

Rhian got the inspiration from her mom na solo parent din who ably raised silang magkakapatid.

Siyempre, hindi mawawala ang paandar ng boyfriend niyang si Sam Versoza.

On the eve of her birthday ay nag-effort na raw ito.

Sobrang malakas ang radar o pakiramdam ni Rhian that Sam was up to something.

A romantic dinner was set at Sam’s place kung saan tinipon ng mayor-wannabe ng Maynila ang pamilya’t mga kaibigan ni Rhian.

Do we hear wedding bells in the offing?

Itinanggi mismo ni Rhian na engaged na sila ng nobyo.

Aniya, marami pa raw siyang gustong ma-accomplish before she decides to settle down.

At makitang nakaluklok si Sam sa minimithing puwesto? Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here