Home NATIONWIDE Lack of skills, network dahilan ng pagbagsak ng negosyo – DTI

Lack of skills, network dahilan ng pagbagsak ng negosyo – DTI

MANILA, Philippines – Tinukoy ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Negros Oriental na ilan sa mga dahilan ng pagbagsak ng isang Negosyo ay ang ‘unhealthy competition,’ at kakulangan ng mga kasanayan at network.

“When someone establishes a sari-sari store, you can be sure that another person in the neighborhood will also do the same immediately,” pagbabahagi ni Geo Israel Alviola, DTI-Negros Oriental Trade and Industry Specialist.

Nagsalita si Alviola sa nasa 40 lumahok kabilang ang mga may-ari ng sari-sari store, kasabay ng serye ng mga lectures na pinangunahan ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa probinsya upang matulungan ang mga ito na mag-level up sa kanilang mga Negosyo at palawakin ang kanilang mga market.

Sinabi ng opisyal ng DTI na ang mentalidad ng mga Pinoy na ayaw malamangan ang isa sa dahilan kung bakit nahihirapan ang isang Negosyo at kalaunan ay magsara.

Ilan pa sa mga dahilan ng problema ng mga negosyanteng Filipino ay ang kakulangan ng puhunan, walang extensive marketing networks, kakulangan ng technical knowledge at kakayahan na magpatakbo ng Negosyo, at kakulangan ng kapasidad na makipag-ugnayan sa mas malalaking negosyante.

“Other contributors include poor location, inaccessible and not visible to the target market; limited and valuable resources that are mismanaged; and poor credit practices that lead to inefficient operations,” dagdag ni Alviola.

Maging ang mga programa ng pamahalaan na makatutulong sa kanila ay hindi alam ng ilang mga negosyante.

Dahil dito ay patuloy na nagbibigay ng mga serbisyo, training at edukasyon ang mga ahensya ng pamahalaan kagaya ng DTI, DOLE, Department of Science and Technology (DOST), at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA). RNT/JGC