Home NATIONWIDE Lacson sa ex-Marines: ‘Wag magbanggit ng numero kung ‘di kayang depensahan

Lacson sa ex-Marines: ‘Wag magbanggit ng numero kung ‘di kayang depensahan

155
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Senate President Pro Tempore and Blue Ribbon Committee chair Panfilo Lacson nitong Sabado, Marso 7 na dapat iwasan ng mga indibidwal na magbanggit ng mga numero na hindi naman kayang depensahan.

Babala ni Lacson, ang mga ganitong paratang ay maaaring bumagsak sa test of believability, katulad ng halimbawa ng alegasyon ng umano’y 18 dating Marines sa P805-billion cash delivery scheme.

“The tale of P805B ‘maletas’: If you do not know how to compute the truth, don’t talk about numbers to quantify probabilities, or face the consequence of failing the test of believability,” saad sa pahayag ni Lacson.

“I am not alone in doubting the credibility of the statements attributed to the 18 ‘ex-Marine’ personnel, since many have shared my computation,” dagdag pa niya.

Nauna nang pinalutang ni Lacson ang tanong ng “logic and mathematics” kaugnay sa mga alegasyon ng mga nagpakilalang dating miyembro ng Philippine Marine Corps, na naghatid ng mga maleta ng cash bilang kickback kaugnay sa mga iregularidad sa flood control projects.

Ipinunto niya na para maipadala ang P805 bilyon ng paper cash, ito ay tumitimbang ng nasa 805 metriko tonelada na magiging isang “logistical nightmare,” at mangangailangan ng matagal na oras para i-unload, bilangin, i-repack, ikarga at ibyahe ang mga pera.

Ayon sa senador, para makumpleto ang naturang trabaho ay aabutin ito ng hanggang 2027 kahit pa marami ang mga gagawa nito.

Bilang tugon sa panukala na imbitahan ang mga umano’y dating Marines sa pagdinig, sinabi ni Lacson na layo ng Senate Blue Ribbon Committee na hanapin ang katotohanan at hindi lamang para ilantad ang mga maling impormasyon.

“Maybe, but maybe not. The BRC hearings are intended to expose the truth, not lies. If they adjust the numbers within the realm of possibilities, why not?”

Nagpahayag naman ng pagnanais si Lacson na makipagkita kay Atty. Levito Baligod, counsel ng mga dating Marines para pagtugmain ang kanilang mga testimonya na inilarawan niyang “realm of possibilities.”

“For truth’s sake, without sacrificing the dignity and integrity of the Blue Ribbon Committee inquiry, I am willing to speak to Atty. Levito Baligod to reconcile the joint testimony of his 18 clients with the realm of possibilities,” ani Lacson.

Samantala, nag-isyu ng subpoena ang National Bureau of Investigation kina dating congressman Mike Defensor, Baligod, at 18 dati umanong Marines kaugnay sa pagsasabing nagdeliber sila ng mga cash sa ilang personalidad sa utos ni dating mambabatas Zaldy Co. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here