Naglatag ng mga panukala ang mga pambatong senatorial candidates ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas para mas palakasin pa ang mga agri-based industries ng lalawigan ng Quezon. CESAR MORALES
LUCENA, QUEZON- Umaasa si Alyansa senatorial candidate Panfilo Lacson na matalino at hindi maapektuhan ang mga Filipino voters sa ginagawang pakikialam ng China sa nalalapit na midterm election.
“We are hopeful Filipino voters are smart,” pahayag ni Lacson sa pressconference ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas sa Lucena, Quezon.
Kasabay nito, nanawagan din si Lacson sa mga mambabatas na bumalangkas ng bagong batas na magpapalakas sa anti-espionage law, ito ay kasunod ng espionage activities sa bansa na iniuugnay sa China.
Ipinaliwanag ni Lacson na sa kasalukuyang anti-espionage law o Commonwealth Act 616 ay 1941 pa nang mabuo, ito malinaw na hindi na akma sa kasalukuyang panahon.
Kumpara naman sa China, ang kanilang anti-espionage law ay may mabigat na parusang life imprisonment at parusang bitay.
Ang anti-espionage law ng China ay nabago noong 2022 kaya naman ang tatlong Pinoy na inaresto at kinasuhan ng espionage sa China ay mahaharap sa mabigat na parusa.
“Commonwealth Act 616 was passed in 1941. You can just imagine. It’s about time we amend or repeal this very old legislation to be attuned to the times. At the time it was passed, there was no social media or modern information technology,” paliwanag ni Lacson.
Sinabi ni Lacson na sa pagbubukas ng susunod na Kongreso ay dapat tutukan ang mga lumang batas na sapat nang irebisa. Gail Mendoza