MANILA, Philippines – Sinimulan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang siyam na buwang pag-aaspalto at reblocking works sa kahabaan ng northbound portion ng President Elpidio Quirino Avenue sa Manila.
Sa kanilang travel advisory, sinabi ng DPWH ng DPWH-South Manila District Engneering Office na kabilang ang reblocking mula Marcelino Street hanggang Campillo Street at pag-aspalto sa overlaying sa kahabaan ng northbound section ng pangunahing kalsada na sumasaklaw sa kahabaan mula Marcelino Street hanggang Quirino Bridge.
Tatagal ang reblocking at asphalt activities hanggang Pebrero 4, 2026.
Isasagawa ang aktibidad tuwing weekend hanggang sa target completion date para mabawasan ang kaagdagang abala sa daloy ng trapiko sa lugar, dahil ang mga aktibidad ay mangangailangan ng bahagyang pagsasara ng mga apektadong lane.
Sinabi ng DPWH na asahan na ang pagbagal ng trapiko sa lugar at hinikayat sila na gumamit ng mga posibleng alternatibong ruta sa panahon ng repair works.
Ang inisyatiba ay bahagi ng “Build Better More” program sa ilalim ng administrasyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden