Home NATIONWIDE Final testing, sealing ng ACMs sinimulan na ng Comelec

Final testing, sealing ng ACMs sinimulan na ng Comelec

MANILA, Philippines – Sinimulan na ng Commission on Elections (Comelec) nitong Biyernes, Mayo 2, ang final testing at sealing (FTS) ng automated counting machines (ACMs) sa mga polling precints bago ang May 12 elections.

Sa Pateros, pinangunahan ni Comelec chairman George Garcia ang FTS sa polling precinct sa Pateros Elementary School.

Kabilang ang Pateros Elementary School sa polling precinct na unang nagsagawa ng FTS na itinakda mula May 2 hanggang May 7.

Sa isinagawang FTS, ang electoral board memebers (ERBs) ay nagsagawa ng end-to-end test ng ACMs kabilang ang initialization ng mga makina.

Sampung botante ang pinayagang bumoto gamit ang makina. Pagkatapos ng botohan, ang kanilang boto ay bibilangin nang mano-mano at ikukumpara sa resulta mula sa ACMs.

Pagkatapos ng FTS, seselyuhan ang ACMs at ilalagay sa Office of th Department Education Supervisor Official (DESO) na babantayan ng mga miyembro ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines hanggang sa May 12 elections.

Ayon sa Comelec, hindi bababa sa 110,000 ACMs ang naipamahagi sa buong bansa para sa Midterm elections. Jocelyn Tabangcura-Domenden