Home NATIONWIDE Pagdedma ni PBBM sa wage hike binatikos

Pagdedma ni PBBM sa wage hike binatikos

MANILA, Philippines – “Tatlong taon na pero dedma pa rin ang Marcos Administration sa panawagang dagdag pasahod sa mga mangagawa, hindi sapat ang libreng sakay lang.”

Ito ang pahayag ng Makabayan Bloc sa kawalang banggit ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos sa panawagang wage increase sa Labor Day.

“In his third year celebrating the Labor Day as the President, Marcos, still has no concrete plans about hunger and poverty of the workers.” ayon sa Makabayan Bloc.

Sinabi ni ACT Teachers Party-list Rep. France Castro na malaki ang problema sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin ngunit ang sweldo kakarampot pa din.

Bago ang Labor day ay inanunsyo ng Malacanang ang apat na araw na libreng sakay sa LRT at MRT.

Giit ng Makabayan Bloc hindi ito sapat dahil ang nakakabuhay sa pamilya na taas sweldo ang hangad ng mga manggagawa at hindi panandaling solusyon.

Sinabi ni Castro na ang pagdelegadosa regional wage board para sa wage increase ay hindi rin nakakatulong dahil ang kalimitang inaaprubahan ay barya lamang.

Sa kasalukuyan ay P645 ang minimum wage habang ang panawagan ng sektor ng manggagawa ay P1,200 living wage. Gail Mendoza