Home NATIONWIDE Lacson: Walang problema sa pag-debate; pagmamadali sa proseso, labag sa Senate rules

Lacson: Walang problema sa pag-debate; pagmamadali sa proseso, labag sa Senate rules

30
0

MANILA, Philippines – Nilinaw ni Senador Ping Lacson na walang tutol ang Senate minority bloc o SB-11 sa pagdedebate ng mga panukala at pagbabago sa mga tuntunin ng Senado. Aniya, ang kanilang tinututulan ay ang pagmadali o pag-“fastbreak” sa proseso nang hindi sinusunod ang mga umiiral na patakaran.

“Nothing is wrong about debating on any motion, resolution or measure. What is wrong is ignoring our own rules and parliamentary procedures by stopping the debates to railroad the adoption of a motion already referred to the Committee on Rules,” ani Lacson.

Ito ang tugon niya kay Senate President Alan Peter Cayetano, na nagtanong sa isang livestream kung mali bang talakayin o baguhin ang mga tuntunin ng Senado.

Ang isyu ay kaugnay ng mosyon ni Senador Rodante Marcoleta noong Mayo 11 na amyendahan ang Senate rules upang payagan ang online o remote participation ng mga senador.

Ayon kay Lacson, sinubukan ng mayorya na agad na pagbotohan sa plenaryo ang panukala kahit na naipasa na ito sa Committee on Rules. Aniya, labag ito sa proseso ng Senado dahil dapat munang talakayin at gawan ng ulat ng komite ang mga usaping ipinapasa rito.

Binanggit din niya na hindi pa nabubuo ang Committee on Rules matapos ang pagbabago sa liderato ng Senado noong Mayo 11.

Dagdag pa ni Lacson, hindi maaaring gamitin bilang batayan ang Section 136 ng Senate rules para agad baguhin ang mga tuntunin dahil naipasa na ang mosyon sa Committee on Rules.

Nag-walkout ang mga miyembro ng minorya noong Mayo 26 matapos igiit ni Cayetano na pagbotohan ang usapin.

“We can amend our rules but we must follow the procedure. They wanted to amend the rules fastbreak-style. And we have a committee system. Congress cannot function without the committees,” diin ni Lacson. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here