Home NATIONWIDE Lady solons mangunguna sa House session ngayong Lunes

Lady solons mangunguna sa House session ngayong Lunes

MANILA, Philippines- Kasabay ng pagdiriwang ng Women’s Month, pawang lady lawmakers lamang ang mangunguna sa sesyon sa House of Representatives ngayong araw.

Alinsunod sa Section 15 (h), Rule IV ng House rules, itinalaga ni House Speaker Martin Romualdez ang mga sumusunod mambabatas upang mangasiwa sa sesyon: Linabelle Ruth Villarica (4th District, Bulacan), Stella Luz Quimbo (2nd District, Marikina City), Maria Rachel Arenas (3rd District, Pangasinan), Anna Marie Villaraza-Suarez (ALONA Partylist), Laarni Lavin Roque (4th District, Bukidnon), Josephine Veronique Lacson-Noel (Malabon City), Mary Mitzi Cajayon-Uy (2nd District, Caloocan City), Marlyn Primicias-Agabas (6th District, Pangasinan), Glona Labadlabad (2nd District, Zamboanga del Norte) at Geraldine Roman (1st District, Bataan).

Si Bataan 3rd District Rep. Maria Angela S. Garcia ang siyang aaktong House Majority Leader habang si Bagong Henerasyon (BH) Partylist Rep. Bernadette Herrera ang siyang magsisilbing House Minority Leader.

Sinabi ni Romualdez na mahalaga ang okasyon na Women’s Month at ang pagtatalaga sa mga babaeng kongresista ay pagpapakita ng kahalagahan ng mga kababaihan sa trabaho sa Kamara.

“The House leadership champions women empowerment, gender equality, and gender balance. Women have constantly become our guidepost in making critical decisions affecting our families, our communities, and our nation. They are our strong moral pillars,” giit ni Romualdez.

Hindi naman pinalampas ni Romualdez na batiin din ang kanyang maybahay na isa ding kongresista na si Tingog Partylist Rep Yedda Marie Romualdez na tinuring nitong ” Speaker of my House.”

Si Rep. Yedda ang Chairperson ng House Committee on Accounts.

Kasabay ng selebrasyon ng Women’s Month ay inaasahan na maipapasa ngayong araw sa Kamara ang ilang pro-women at children bills. Gail Mendoza