MANILA, Philippines- Nagpadala na ng barko ang Philippine Coast Guard (PCG) para magpatrolya nang dalawang linggo sa Benham Rice.
Simula ngayong araw, magpapatrolya BRP Gabriela Silang sa Batanes at Benham Rice batay na rin sa kautusan ni PCG Commandant, CG Admiral Ronnie Gavan.
Ang two-week mission ng BRP Gabriela Silang ay matapos mamataan ang ilang Chinese vessel noong nakaraang linggo na tila nagsasagawa ng kakaibang aktibidad sa naturang karagatan.
Magsasagawa ang PCG vessel ng maritime domain awareness, paiigtingin ang presensya ng Coast Guard sa Northern Luzon, at imo-monitor ang hanapbuhay ng mga lokal na mangingisda.
Samantala, ang air assets ng Coast Guard Aviation Force ay naka-standby para sa posibleng augmentation lalong-lalo na sa aerial surveillance. Jocelyn Tabangcura-Domenden