Home METRO Lahar flow sa Kanlaon dulot ni Basyang, ibinabala ng Phivolcs

Lahar flow sa Kanlaon dulot ni Basyang, ibinabala ng Phivolcs

160
0

NEGROS OCCIDENTAL, Philippines – Nagbabala ang Phivolcs na maaaring magkaroon ng lahars at sediment-laden streamflows sa Kanlaon Volcano dahil sa matinding ulan na dala ng Tropical Depression Basyang (Penha) sa Negros at iba pang bahagi ng Visayas.

Ayon sa advisory noong Biyernes, Peb. 6, ang matagal na malakas na ulan ay maaaring mag dulot ng erosion ng mga pyroclastic deposits, ashfall, at luad mula sa nakaraang pagsabog ng Kanlaon noong Oktubre 24, 2025, na maaaring magdulot ng post-eruption lahars. Posible rin ang non-eruption lahars sa mga bahagi ng itaas na slope na naapektuhan ng landslide o ni Supertyphoon Tino noong Nobyembre.

Maaaring maapektuhan ang mga komunidad sa Negros Occidental: Bago City, La Carlota City, La Castellana, Moises Padilla, San Carlos City; at Negros Oriental: Canlaon City

Lalo na ang mga nasa tabi ng Ibid River, Cotcot River, Talaptapan River, Malaiba River, Panubigan Creek, Buhangin–Indurayan River, Najalin River, Inyawan River, Maragandang River, Panun-an Creek, Intiguiwan River, Camansi River, Maao River, Tokon-tokon River, Masulog River, Binalbagan River, Taco Creek, at Linothangan River.

Pinayuhan ang mga residente na maging handa sa posibleng evacuation at iwasan ang pagtawid sa apektadong ilog, kahit pa malayo sa bulkan.

Ayon sa Phivolcs, kaya ng Kanlaon lahars na magdala ng malalaking bato at graba, na maaaring magdulot ng malakas na impact, pagbaha, pagkakabury, at washout sa mga komunidad. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here