Home OPINION LAHAT MAGTULUNGAN HUWAG MAGSISIHAN

LAHAT MAGTULUNGAN HUWAG MAGSISIHAN

144
0

NITONG nakaraang ilang linggo na nag-aanunsyo ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration ukol sa pagpapalit ng tag-init at El Niño at tag-ulan at La Niña, panay ang paghahanda ng lahat laban sa mga baha, landslide at iba pang lilikhain ng tag-ulan.

Noong una, nagmukhang okey naman lahat.

Pero nang dumating ang habagat at bagyong Butchoy sa Kamindanaoan kamakailan, nasa 15 ang patay at libo-libong tao ang nadiskarilan ng tahanan, mga tulay, pananim, hanapbuhay, kita at iba pa.

Kinapos ang mga paghahanda.

MAS GRABENG KALAGAYAN

Nang dumating ang bagyong Carina at habagat hinambalos nila ang buong bansa, anak ng tokwa, lalong tila hindi umubra ang mga paghahanda.

Matapos ang delubyo, 9 ang patay at maaaring madagdagan pa: 1 ang nakuryente sa Manila, 5 sa Batangas, 1 sa Bataan at 1 sa Pampanga.

May mga lumubog na bahay gaya sa Cainta, Rizal grabe ang mga pagbaha sa iba.

Lahat, mga lalawigan at Metro Manila, ang nasalanta at nagpatigil sa buhay ng milyones na mamamayan dahil sa ulan at baha na nagbunga  landslide, sirang tulay, gibang mga bahay, sirang hanapbuhay at iba.

Ang North Luzon Expressway o NLEX, nabarahan ng baha sa Valenzuela City nang buong maghapon kamakalawa at naparalisa ang trapiko ng libong motorista rito lalo’t hindi naman umubra ang MacArthur Highway na maraming parte nito ang lumubog din sa baha.

Ang mga sasakyang humamon sa baha at ginawang submarine, lumutang nang sira at inanod makaraan habang ginawang evacuation center ang lahat ng iskul sa Lungsod ng Maynila.

WALANG SISIHAN, MAGTULUNGAN LAHAT

Walang dapat sisihan dito.

Kumilos naman ang pamahalaan at tumulong ang mga mamamayan sa paghahanda.

Kaya lang, kinapos ang lahat sa paghahanda at laban sa sobrang ulan na ibinagsak ng habagat at ni Carina.

Sa halip na magsisihan, magbuhos na lang ang lahat ng tulong sa isa’t isa at ibangon ang mga nasalanta at ang ating bansa.

Sa pagtutulungan, ang maliliit na bagay, kapag naipon, malaki na kapaki-pakinabang laban sa gutom, uhaw, paghihirap ng mga stranded sa biyahe, sakit at iba pa.

Sa parte ng pamahalaan, naririyan na ang alok ng pautang ng Social Security System, deklarasyon para sa Metro Manila ng Department of Trade and Industry ng price freeze ng mga batayang pangangailangang gaya ng rice, corn, pork, beef, poultry, eggs, milk, coffee, sugar, cooking oil, salt, laundry soap, detergent, bread, fresh vegetables, root crops, firewood, charcoal, candles, essential medicines at iba pa at ayuda mula sa Departments of Social Welfare and Development, Public Works and Highways, Environment and Natural Resources, Migrant Workers at Overseas Workers Welfare Administration at iba pa, kasama ang Metro Manila Development Authority at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Halos wala ring tulugan sa pag-aasikaso ang mga lokal na namumuno mula sa mga kapitan, kagawad at Sangguniang Kabataan at mayor hanggang sa Malakanyang na handang pagbuhusan ng Department of Budget and Management ng nasa P11 bilyong pondo.

Napakarami ang dapat asikasuhin, lalo na ang nasa 800,000 na natamaan ng kalamidad

Saka natin tingnan ang mga depekto at pagkukulang ng ating mga pinaggagagawa laban sa ulan, baha at kalamidad.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here