Home NATIONWIDE Lahat ng lisensya ng POGO kanselado na, pero mga umilegal nananatili –...

Lahat ng lisensya ng POGO kanselado na, pero mga umilegal nananatili – PAOCC

MANILA, Philippines – Sinabi ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na lahat ng lisensyadong Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) ay isinara na ngunit nagpapatuloy ang mga network ng ilegal na pagsusugal.

Sa pagdinig ng Senado nitong Martes, kinwuestyon ni Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros ang mga opisyal ng PAGCOR hinggil sa pagpapatupad ng POGO ban na iniutos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang 2024 State of the Nation Address.

Iniulat ni PAGCOR assistant vice president Jessa Fernandez na mula noong Hulyo 22, 2024, itinigil ng ahensya ang pag-isyu at pag-renew internet gaming licenses.

Sinabi ni Fernandez na Dec.31 , lahat ng 42 licenses at 18 authorized service providers ay kandelado na habang 304 operating sites nationwide ay ipinasar.

Ayon pa sa opisyal, patuloy silang nakikipagtulongan sa enforcement agencies at local government units (GUs) upang masiguro na nanatiling sarado ang mga establisyimento.

Aminado naman si PAGCOR senior vic president Raul Villanueva na sa kabila ng opisyal na pagsasara ng POGO operations ay may mga operators pa rin ang nagkalat bilang maliliit na grupo ay nag-ooperate sa loob ng residential subdivisions at urban peripheries.

Iniulat ng PAGCOR na 61 lisensya ng PIGO ang naibigay at nakatuon sa pagsusumite ng buong listahan sa komite ng Senado.

Ang mga PIGO, na kinabibilangan ng mga casino at online games, ay nag-aalok ng parehong uri ng pagsusugal ngunit ang mga kliyente ay mga Pilipino.

Upang maiwasan ang mga PIGO na gayahin ang mga isyu na may kaugnayan sa POGO, sinabi ni Fernandez na pinalalakas ng PAGCOR ang mga responsableng programa sa paglalaro, kabilang ang potensyal na pagsubaybay ng artificial intelligence (AI) sa pag-uugali ng pagsusugal.

Malugod na tinanggap ni Hontiveros ang mga pagsisikap ngunit nagbabala laban sa pagpapatupad ng AI monitoring nang walang itinatag na mga protocol.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)