MANILA, Philippines – Ibinasura ng Sandiganbayan Second Division ang motion for reconsideration ng negosyanteng si Mary Ann Maslog na hinatulan na makulong ng 10 taon matapos mapatunayan na guilty sa textbook scam case noong 1998.
Sinabi ng Sandiganbayan Second Division na walang naiprisintang mabigat na dahilan ang kampo ni Maslog para baligtarin ang January 28,2025 decision nito.
“The accused failed to raise any novel issue or present any compelling evidence to overturn her comviction. The court finds that her motion is mainly a mere rehash of arguments already resolved in the decision dated January 28,2025.”
Si Maslog, na dati nang nameke ng kanyang kamatayan para makaiwas sa hatol ay sinentensyahan ng Sandiganbayan ng hanggang 10 years sa kasong graft bunsod ng P24-million textbook scam.
Kamakailan ay ibinasura din ng anti graft court ang kahilingan ni Maslog na makapagpiyansa. Igniit ng Korte na kahit bailable offense ang kasong graft, dapat manatili sa kulungan si Maslog dahil isa siyang flight risk, patunay na dito ang ginawa niyang pamemeke ng kamatayan, pagpapangap ng ibang pagkakakilanlan at paulit ulut na pagtakas mula sa mga otoridad.
Sa rekord ng kaso, kinasuhan si Maslog ng Office of the Ombudsman noong 2008 dahil sa pagpapalabas ng bayad ng Department of Education, Culture and Sports ng P24 million sa Esteem Enterprises na kinakatawan ni Maslog. Para ito sa umano’y pag-deliver ng mga textbooks at iba pang l printed learning materials sa DECS Region 8 (Eastern Visayas).
Nabatid na ang payment ay inilabas ng dalawang tranches gamit ang dalawang pineke na Sub-Allotment Release Orders (Sub-AROs) na inisyu umano ng Department of Budget and Management (DBM) para ipalabas na may fund allocations para dito. Teresa Tavares