Home ENTERTAINMENT Lala Sotto, nanghikayat na suportahan ang MMFF 2025!

Lala Sotto, nanghikayat na suportahan ang MMFF 2025!

168
0

Manila, Philippines -Hinimok ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang publiko na suportahan ang walong pelikulang kalahok sa 2025 Metro Manila Film Festival (MMFF) 2025 na nagsikula noong Disyembre 25.

Sa isang video message, sinabi ni Sotto na mahalagang pagyamanin ng taumbayan ang taal na husay ng Pilipino sa paglikha ng mga pelikulang maipagmamalaki sa buong mundo.

“Ngayong Pasko, inaanyayahan ko ang lahat na panoorin ang lahat ng pelikulang kasali sa 2025 MMFF,” ani Sotto.

Pinaalalahanan din niya ang mga manonood, lalo na ang mga magulang at nakatatanda, na gamitin ang MTRCB ratings bilang gabay sa pagpili ng mga pelikulang angkop para sa pamilya.

“Gamitin po natin bilang gabay ang MTRCB ratings sa pagpili ng papanooring pelikula ngayong kapaskuhan,” sabi ni Sotto.

“Sama-sama po tayong mag-enjoy sa walong pelikulang inihanda ng MMFF.”

Karamihan sa walong pelikula ay pampamilya dahil sa ratings na G (para sa lahat) at PG (kasama ng mga bata ang magulang o nakatatanda).

Ang walong kalahok sa 2025 MMFF:

“I’m Perfect” – Rated G (General Audience). Angkop para sa lahat ng edad.

“Bar Boys: After School” –PG. Para sa mga edad 13 at pababa basta’t may kasamang magulang o nakatatanda.

“Call Me Mother” – PG.

“Love You So Bad” – PG.

“Manila’s Finest” – PG.

“Rekonek” – PG.

“Unmarry” – PG.

“Shake, Rattle and Roll: Evil Origins” – R-13 (Restricted-13), para sa mga edad 13 pataas.

Muli, tampok sa ika-51 MMFF ang likas na husay, pagkamalikhain at talento ng Pilipino sa larangan ng pelikula. JP Ignacio

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here