Home METRO Lalaki dedo nang mabaril habang nagvi-video ng alitan sa NE

Lalaki dedo nang mabaril habang nagvi-video ng alitan sa NE

162
0

NUEVA ECIJA, Philippines – Patay ang isang lalaki matapos mabaril habang nagre-record ng mainit na alitan sa isang solar farm sa General Tinio, Nueva Ecija, noong gabi ng Pebrero 15.

Ayon sa ulat, nag-ugat ang alitan sa mabahong comfort room.

Ang biktima na tinamaan sa tiyan at binti ay maririnig sa video na humihingi ng tulong. Dinala siya sa lokal na ospital sa General Tinio ngunit hindi nakaligtas sa paglilipat patungong Cabanatuan City. Ang labi ng biktima ay dinala sa Quezon City at inilibing noong Linggo.

Ayon sa imbestigasyon, ang grupo ng biktima ay mga tagapag-install ng solar panels, habang ang grupo ng suspek ay subcontractors.

“Ang sumugod po dito ay yung grupo po ng biktima. Sila po yung nanita. According sa mga witness, medyo nakaramdam din ng kaunting takot o kaba doon sa side ng suspek, kaya siguro po bumunot na siya ng baril,” ani General Tinio Police Chief Shariel Paulino.

Tumakas ang suspek gamit ang pickup ng kasama, kaya naglunsad ng manhunt ang pulisya. Natagpuan ang iniwang sasakyan sa Santa Rosa noong Pebrero 16, kasama ang mga walang lamang bala. Inaalam pa kung lisensyado ang baril.

Sinabi ng General Tinio Police na haharap sa kasong murder ang suspek. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here