Home NATIONWIDE Lalaki lumutang sa ilog sa Maynila sa kasagsagan ng malakas na ulan

Lalaki lumutang sa ilog sa Maynila sa kasagsagan ng malakas na ulan

213
0

MANILA, Philippines – Patay na nang matagpuang palutang-lutang ang isang lalaki sa San Juan River, Punta, Sta. Ana, Maynila nitong Miyerkules ng umaga, Hulyo 23.

Kinilala ang biktima na si Aries Flores, 30 anyos, pintor at residente sa Tabing Ilog, Kaingin Bukid, Apolonio Samson, Quezon City.

Sa imbestigasyon ng Manila Police District (MPD) -Sta.Ana Police Station 6, napansin ng isang residente sa Sta. Ana ang labi ng biktima na palutang-lutang sa ilog.

Bago matagpuan ang biktima, napag-alaman na nakita siya ng testigo na si Fatima Eser bandang alas-3 ng hapon noong Hulyo 21 na nakatayo at nadulas sa ibabaw ng isang bakod na matatagpuan sa Tabing Ilog St.

Agad nilang ipinaalam sa kanilang barangay ang pangyayari at sa Hotline 122 para sa rescue operation.

Gayunman, nang matagpuan ang biktima ay wala nang buhay at matigas na ang kanyang katawan matapos siyang malunod kasabay ng kasagsagan ng malakas na ulan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here