Home ENTERTAINMENT Coco, pumalag sa fake news kay Dante!

Coco, pumalag sa fake news kay Dante!

288
0

Manila, Philippines- Nakakawindang ang mga balitang kumakalat sa social media.

Kung di ka discerning, sobrang gullible at di nagpa-fact check ay madali kang maniniwala.

Kamakailan lang kasi ay kumalat ang balitang sumakabilang buhay na ang beteranong actor na si Dante Rivero.

Pumalag naman si Coco Martin sa nasabing ulat at sinabing fake news ito.

Nag-isyu rin ng statement sa kanyang FB ang aktor-director at producer ng “FPJ’s Batang Quiapo” kung saan kasama sa cast si Rivero.

Aniya: “Mag-ingat po sa kumakalat ng fake news!

“Malakas pa rin naman po si Mr. Dante Rivero malusog at masigla kapag kasama ko siya sa taping.”

Ipinost din niya ang statement ng produksyon hinggil sa isyu.

“Nakarating sa amin ang maling impormasyon tungkol sa pagpanaw ng FPJ’s Batang Quiapo cast na si Mr. Dante Rivero.

“Ang mga kumakalat na photos at videos ay hindi totoo o FAKE NEWS.

“Si Mr. Dante Rivero ay malusog at masigla na kasama namin sa mga susunod pang mga araw sa taping ng FPJ’s Batang Quiapo.

“Nakikiusap kami sa lahat na itigil ang pagkalat ng videos at misinformation. Maraming salamat.” Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here