Manila, Philippines- Isa sa mga artistang hindi pinalad na manalo sa katatapos na eleksiyon ay ang sexy star na si Mocha Uson.
Tumakbong konsehal sa ikatlong distrito ng Maynila si Mocha under sa partido ng nagbalik na Manila Mayor na si Isko Moreno.
Pero nabigo mang maging konsehala ay magsisilbi pa rin sa Maynila si Mocha.
Just recently ay ibinalita mismo ni Manila City Mayor Isko ang pagtatalaga niya sa TV at social media personality na si Mocha bilang tagapaghatid ng balita sa pinamumunuan niyang lungsod.
Pormal na inaanunsjyo ni Yorme sa Facebook post niya na regular na niyang makakasama si Mocha sa kanyang programang “Yorme’s Hour” tuwing Biyernes.
“Makakasama na natin si Mocha Uson sa Yorme’s Hour tuwing Biyernes upang maghatid ng mga kaganapan at balita tungkol sa minamahal nating Lungsod ng Maynila,” sey pa ng pinakasikat na mayor sa Maynila.
Banggit pa ni Yorme na ang programa niyang ito ay ang magsisilbing tulay para maihatid nang maayos sa lahat ng taga-Maynila ang mga programang gusto niyang ma-implement sa siyudad ng Maynila.
“Ito ay isang programa ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa ilalim ng Manila Public Information Office (MPIO), alinsunod sa pinirmahan nating Executive Order No. 7: ‘An Order Mandating the Adoption of an Open Governance Policy,” lahad pa ni Mayor Isko.
Samantala, hindi umubra ang sipag ng pangangampanya ni Mocha sa mga taga-district 3 at kahit kabilang siya sa Yorme’s Choice ay kinulang ang boto niya para mapabilang sa anim na nanalong konsehal. Kasama rin niyang hindi pinalad ay ang kapatid ng natalo ring vice mayor na si Yul Servo, na si dating konsehal Apple Nieto, na tumakbo namang kongresista, huh!
Hindi rin naman matatawag na baguhan sa politika si Mocha dahil dati na siyang nagsilbi bilang assistant secretary ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte si Mocha, huh! Jimi Escala