Home METRO Lalaki na gumahasa sa paslit, pinatay na, nilaslasan pa ng ari

Lalaki na gumahasa sa paslit, pinatay na, nilaslasan pa ng ari

SURIGAO DEL NORTE- LASLAS ang ari at wala nang buhay nang matagpuan ang bangkay ng isang lalaki na may kasong panggagahasa sa 5-anyos na batang babae nitong Miyerkules, Marso 13 sa bayan ng Claver.

Ayon kay Police Corporal John Paul Polvo, ng Claver PNP, bandang 6:00 PM natagpuan ang bangkay ng biktima sa madamong bahagi ng Purok 4- Barangay Pantao, Claver, Surigao Del Norte.

Sinabi ng pulisya, ilang residente ang nakakita sa bangkay ng biktima at agad ipinaalam sa kanilang tanggapan.

Sa pagresponde ng mga pulis sa naturang lugar, nakitaan nila ng dalawang tama ng bala sa ulo, dibdib at laslas ang ari ng biktima na hindi muna pinangalanan dahil sa kasong panggagahasa sa 5-anyos na batang babae sa kanilang lugar.

Inaalam na ng mga awtoridad kung may kinalaman sa kasong kinakaharap ng suspek ang motibo sa krimen. Mary Anne Sapico

Previous articleGerman wind, solar developer, nangako ng P392.4B sa renewable energy sa Pinas
Next articleWorld Aquatics hanga sa PH hosting ng Asian Age Group Championships