MANILA, Philippines – Nasamsam ng mga awtoridad ang mahigit P2 milyong halaga ng hinihinalang shabu mula sa isang high-value suspect sa buy-bust operation sa Tabaco City, Albay.
Ayon kay Brigadier General Andre Perez Dizon, Bicol police chief, sa ulat nitong Miyerkules, Mayo 8, ang big-time operation ay nag-ugat sa pagkakaaresto ni alyas “Kaloy” na high-value target ng Bicol police.
Nakuhanan ang 32-anyos na suspek ng 418.525 gramo ng shabu na nakalagay sa isang heat-sealed at apat na knot-tied plastic container. Nagkakahalaga ito ng P2.8 milyon.
Nasa kustodiya na ng Tabaco City police ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/JGC