Home ENTERTAINMENT Pokwang, may resbak sa vlogger na nandiri sa sardinas!

Pokwang, may resbak sa vlogger na nandiri sa sardinas!

Manila, Philippines – Ipinagmamalaki ni Pokwang na comfort food niya ang sardinas.

Noon daw na walang-wala ang kinalakhan niyang pamilya’y paborito nilang magkakapatid ang sardinas.

Pokwang’s love for canned sardines has rubbed off on her daughter Malia.

Kung titingnan daw kasi ang kanyang anak, mestisa’t maganda at hindi mo aakalaing kumakain ng sardinas.

Ibinida nga ng komedyana na bet ni Malia ang sardinas na ginigisa sa talbos ng kamote.

Masarap din daw haluan ito ng toyo’t kalamansi, at tiyak na mapaparami ka ng kain.

Obyus na reaksyon ito sa isang content creator na kumasa sa sardines eating challenge.

Marami raw kasi nagre-request kay Tito Mars na gawin ‘yon.

Kaso, sa video ay masuka-suka ito sa kinaing sardinas na parang diring-diri pa!

Pinalagan ‘yon ni Pokwang.

Aniya, para na rin daw pinandirihan ng naturang vlogger ang can afford lang kainin ng mga mahihirap.

In the first place, hindi ginusto ng mga ito na maging mahirap. Eh, sa ‘yun lang ang kasya sa budget nila, ‘no!

Tinawag na “evil” ni Pokwang ang mga ganoong uri ng vlogger na basta na lang makaisip ng gagawing content.

Napaka-insensitive daw niyon lalo na sa mga kababayan nating walang nakikitang masama sa pagkain ng sardinas.

Sa bandang huli, nagpakawala si Pokwang ng nakakainsultong post sa Instagram patungkol sa kinaiiritahang vlogger: “layon natin sa itsura ang kaartehan!” Ronnie Carrasco III