Home NATIONWIDE Pasok sa Bulacan State University sinuspinde sa ‘security concerns’

Pasok sa Bulacan State University sinuspinde sa ‘security concerns’

MANILA, Philippines – Sinuspinde ng Bulacan State University ang lahat ng kanilang onsite classes nitong Lunes, Mayo 20 dahil sa “security concerns in the campus.”

Hindi na nagbigay pa ng dagdag na impormasyon ang unibersidad sa tinutukoy na security concern.

Sa memorandum, ipinag-utos ng Office of the University President sa lahat ng mga estudyante na nasa campus “to proceed to a safe location and await further instructions.”

Magpapatuloy naman ang mga klase ngayong hapon, ayon sa memorandum.

Samantala, inatasan din ng naturang memorandum ang Bulacan State University community na iulat ang anumang kahina-hinalang aktibidad sa campus sa security office. RNT/JGC