Home HOME BANNER STORY Ex-PDEA agent Morales kinastigo ng Senate panel sa pagsisinungaling

Ex-PDEA agent Morales kinastigo ng Senate panel sa pagsisinungaling

MANILA, Philippines – Kinastigo ng Senate public order and dangerous drugs nitong Lunes, Mayo 20 si dating Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) agent Jonathan Morales dahil sa patuloy na pagsisinungaling sa panel tungkol sa kanyang personal data sheet (PDS) nang nag-aapply ito sa anti-drug agency.

Si Morales ang isa sa nagsabi na pinirmahan niya ang umano’y nag-leak na pre-operation report ng PDEA noong 2012 na nag-uugnay kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at aktres na si Maricel Soriano sa illegal na droga.

Dahil dito ay ipinag-utos ni Senador Jinggoy Estrada na i-contempt si Morales kasabay ng paggisa sa dating PDEA agent sa pagdinig dahil sa maling representasyon nito sa kanyang PDS na ipinasa sa PDEA. Sinabi kasi nito na hindi siya tinanggal mula sa Philippine National Police roll at hindi rin siya sinibak o sinuspinde mula sa serbisyo.

Kasunod ng walang pagtutol mula sa iba pang committee members, inaprubahan ni Senador Ronald Dela Rosa ang mosyon na i-contempt si Morales.

Dahil dito ay dinala sa Senate detention cell si Morales. RNT/JGC