Home ENTERTAINMENT SB19, kumasa sa hamon!

SB19, kumasa sa hamon!

Screenshot

Manila, Philippines – Marami ang hindi nakakalam ngunit humarap sa mga matinding hamon ang sikat na P-pop group na SB19 nitong nakaraang taon.

Pagkatapos na ilabas ang kanilang pinakahuling album na pinamagatang Pagtatag at habang nasa una nilang world tour, nahirapan ang SB19 sa stress at lungkot ng pagiging malayo sa kani-kanilang mga tahanan at pamilya.

Lumipat din ang Kings of P-pop ng talent management na isang malaking hakbang sa aspeto ng pagiging malayang recording artist.

Hindi nagpatinag sa mga hamon ang SB 19 at umaasa ang grupo na magamit ang mga karanasang ito sa paglikha ng pinaka-awtentikong sining sa kanilang mga performance.

Sa kanilang kolaborasyon kasama ang Puregold, hangad ng nasabing supermarket na maibahagi ang kanilang kuwentong panalo, kuwento ng pagiging malakas at matatag, nang maipaalala sa lahat ng Pilipino na mayroon din silang ganitong lakas at determinasyon.

Opisyal na ring kinumpirma ng Puregold ang kolaborasyon nito sa SB19, at talaga namang kinasabikan ito ng bawat A’Tin sa Pilipinas. Tinatawag na “Princes of P-Pop,” nagpatikim na ang grupo ng kolaborasyon ilang linggo na ang nakalilipas, sa pamamagitan ng mga post at story sa Instagram, kung saan nakasakay sila sa mga shopping cart.

Kasama sina Josh, Pablo, Stell, Ken, at Justin, bumida ang SB19 sa P-Pop sa Pinas.

Kasama sa kanilang paglalakbay ang napakarami at istriktong pagsasanay, at ngayon, kilala na sila bilang mahusay na performer.

Ipinapakita lamang nito na susi ang talento at determinasyon sa tagumpay.

Ngayon, napamahal na ang musika ng SB19 hindi lamang sa mga tagasubaybay nito sa Pilipinas, kundi sa iba pang mga bansa.

Kasama na ngayon ng SB19 sina Flow G, ang BINI, at ang SunKissed Lola, at ang Puregold sa pagpapalago at pagtatagumpay ng Original Pinoy Music. JP Ignacio