Home METRO Lalaki na umawat sa away ng magkapatid, patay

Lalaki na umawat sa away ng magkapatid, patay

ILOILO CITY- PATAY ang isang lalaki matapos mabaril ng suspek matapos umanong umawat ang una at ng magkapatid, nitong Linggo, Pebrero 4 sa lungsod na ito.

Nakilala lamang ang biktima sa pangalan Maki, nasa hustong gulang, at Barangay Bulak Norte, Batad, Iloilo.

Habang nadakip naman ang suspek na kinilalang si John Morales, nasa hustong gulang at nakatira sa Barangay Pasayan, Batad, Iloilo.

Batay sa report ng Batad Municipal Police Station, nagkaroon ng pagtatalo ang suspek at kapatid nito sa harap ng biktima.

Dahil dito, lumapit ang biktima sa nag-aaway na magkapatid para awatin ang mga ito ng bigla na lamang umalingawngaw ang putok ng baril at bumulagta sa sahig ang biktima na duguan at may tama ng baril sa ulo.

Agad naman dinala sa ospital ang biktima subalit idineklara na rin itong patay ng umatending doktor.

Nadakip naman ang suspek ng mga rumespondeng pulis at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso. Mary Anne Sapico