Home METRO Sundalo patay sa tumalon na motorsiklo sa bangin

Sundalo patay sa tumalon na motorsiklo sa bangin

BUGUEY, Cagayan- NASAWI ang isang sundalo makaraan tumalon sa bangin ang minamaneho nitong motorsiklo pauwi sa kanilang tahanan nitong Sabado sa bayang ito.

Kinilala ang biktimang si Private Roniemar Queja, 26-anyos, miyembro ng 77th Infantry Battalion ng Army’s 501st Infantry Brigade, 5th Infantry Division at residente ng Brgy San Vicente, Sta Ana, Cagayan.

Ayon kay Pmajor Marlou Del Castillo, hepe ng Buguey police Station, bandang 9:00AM natagpuan ang bangkay ng biktima sa ilalim ng superhighway ng Brgy Sta Isabel, ng naturang bayan.

Sinabi Castlillo, posibleng 1:00am hanggang 4:00 am naganap ang insidente at walang nakakita sa biktima dahil walang kabahayan na nakatira sa naturang lugar.

Aniya, nagpaalam ang biktima sa kanilang headquarters na uuwi ng Sta. Ana upang kumuha ng damit na isusuot sana para sa kanyang promosyon.

Nagtamo ng matinding pinsala sa dibdib ang biktima matapos itong tumama sa puno ng Gmelina at nabali rin ang spinal column na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Nanawagan naman si Castillo sa Department of Public Works and highways (DPWH) na maglagay ng reflectorized warning signs sa madilim at sharp curved na bahagi ng kalsada dahil magkasunod na aksidenteng naganap sa nabanggit na lugar. Mary Anne Sapico