Home METRO 3 sinaksak ng naburyong na binatang helper

3 sinaksak ng naburyong na binatang helper

MANILA, Philippines – Sugatan ang tatlong indibidwal matapos pagsasaksakin ng buryong na binatang helper na naka-away ng isa sa mga biktima sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM).

Kinilala ang naarestong suspek na si Joey Jabonete Tizon, 43, binata, habang ang mga biktima ay sina Roberto Dasig Ticson, 69, Remien Acosta, 51, Flexe Antoniano, 22 at Farrahlyn Miranda, 29 kapwa residente ng Brgy. Muzon East.

Sa report ng SJDM police station, nangyari ang insidente bandang 8:20 ng gabi nitong Pebrero 1 sa nabanggit na lugar.

Ayon sa imbestigasyon, nagpang-abot ang suspek at si Roberto kaya nang makita ni Remien ay tinangka niyang pumagitna para awatin ang dalawa.

Lingid sa kaalaman ni Remien na may patalim ang buryong na suspek na kanyang ikinagulat nang saksakin siya na tumama sa kanyang likuran.

Nang makita rin ng suspek sina Flexe at Farrahlyn sa lugar ay pinagsaksak din niya at kalaunay makailang ulit din sinaksak ang kanyang sarili.

Agad naman dinala ng mga awtoridad ang mga biktima at ang suspek sa Ospital ng Lungsod para sa paunang lunas.

Nahaharap ang suspek sa kasong multiple frustrated homicide habang nakakulong sa naturang istasyon ng pulisya. Dick Mirasol III

Previous articleSundalo patay sa tumalon na motorsiklo sa bangin
Next article16 patay sa pagbaha, landslide sa Mindanao