Home METRO Lalaki nasita sa pag-ihi sa pampublikong lugar, arestado sa shabu at baril

Lalaki nasita sa pag-ihi sa pampublikong lugar, arestado sa shabu at baril

MANILA, Philippines – SHOOT sa kulungan ang isang lalaki matapos mabisto ang dalang shabu at baril makaraang takbuhan ang mga pulis nang sitahin sa pag-ihi sa pampublikong lugar sa Caloocan City.

Sa ulat ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, habang nagsasagawa ng anti-criminality operation ang mga tauhan ng Bagong Barrio Police Sub-Station 5 sa kahabaan ng Gen. Evangelista St., Brgy. 144 nang maispatan nila ang isang lasing lalaki na umiihi sa pampublikong lugar dakong alas-10:50 ng umaga na malinaw na paglabag sa umiiral na ordinansa ng lungsod.

Nang lapitan ng mga pulis, napansin nila ang puluhan ng baril na nakausli sa likod ng lalaki subalit, nang mapansin nito ang kanilang presensya ay agad itong tumakbo.

Hinabol siya ng mga pulis hanggang sa makorner at nang kapkapan ay nakumpiska sa suspek na si alyas “Nonoy” ang isang plastic sachet na naglalaman ng abot 8.5 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P57,800.00 at isang cal. 38 revolver na may tatlong bala.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunations Regulations Act. Rene Manahan