Home METRO Lalaki natagpuang-patay sa loob ng bahay sa Cavite

Lalaki natagpuang-patay sa loob ng bahay sa Cavite

MANILA, Philippines – Isang 49-anyos na lalaki ang patay na natagpuan sa loob ng kanyang bahay na may tama ng bala sa katawan sa Brgy Ibayo Estacion, Naic, Cavite.

Ayon sa report, kinilala ang biktima na si alyas Alvin ng Sitio Munting Paraiso, Brgy Ibayo, Estacion, ng nasabing bayan.

Base sa salaysay ng saksi, bandang alas-4:30 ng hapon nang makarinig siya ng sunod-sunod na tahol ng aso sa bahay ng biktima kaya pinuntahan niya ito at binuksan ang bahay subalit laking gulat nang makita nito ang wala nang buhay na biktima.

Agad namang tinawagan ang kapatid at kaanak at sa paniniwalaang inatake lamang ito subalit nang buhatin ay nakitang may umagos na dugo.

Nakita ang mga tama ng bala ng baril sa katawan na ginamit sa pagpatay sa biktima.

Nagsasagawa ng backtracking sa Closed Circuit Television (CCTV) upang malaman ang salarin sa pagpatay. Margie Bautista