Home NATIONWIDE Lalaki patay nang natagpuan sa loob ng drum sa Maguindanao del Sur

Lalaki patay nang natagpuan sa loob ng drum sa Maguindanao del Sur

270
0

MANILA, Philippines – Natagpuang patay na at isiniksik sa loob ng isang drum ang isang lalaki na iniulat na ilang araw nang nawawala sa Datu Paglas, Maguindanao del Sur.

Ayon sa report, ang biktima ay may mga saksak sa katawan.

Natuklasan ang bangkay ng biktima matapos na magsumbong ang isang concerned citizen patungkol sa nadiskubreng drum na may balot ng tarpaulin sa Sitio Panag sa Datu Paglas.

Bago madiskubre, ang biktima ay iniulat na nawawala noon pang Oktubre 2.

Nakuha na ng pamilya ng biktima ang labi nito. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here