Home METRO Lalaki patay pag-dive sa Ilocos Sur waterfall

Lalaki patay pag-dive sa Ilocos Sur waterfall

MANILA, Philippines – Patay ang isang lalaki makaraang tumalon ito sa Kagutungan Falls sa Sta. Cruz, Ilocos Sur.

Ayon sa mga awtoridad, ang 43-anyos na biktima ay umakyat sa puno ng balete bago mag-dive sa taas na 25 talampakan sa tubig na nasa ibaba nito.

Matapos na lumanding sa tubig, nakita ng mga saksi ang biktima na nakaahon ba ngunit kalaunan ay lumubog din.

Nagdurugo ang ilong ng biktima habang iniaahon ito sa tubig.

Posible umanong tumama sa matigas na bagay ang ulo ng biktima sa ilalim ng tubig sa pag-dive nito.

Inihatid na sa pamilya ang mga labi ng biktima. RNT/JGC