Home METRO Lalaki patay sa galit ng kapitbahay

Lalaki patay sa galit ng kapitbahay

ISABELA- PINAGBABARIL patay ang isang lalaki ng kanyang kapitbahay dahil umano sa galit ng huli sa una noong Lunes, Mayo 20 sa bayan ng San Mariano.

Kinilala ang biktimang si Reynaldo Alfante habang nadakip naman ang suspek na si Domingo Baraquio, kapwa nasa hustong gulang at residente ng Barangay Minanga, San Mariano, Isabela.

Ayon kay PMaj. Francis Pattad, hepe ng San Mariano Police Station, bandang 4:00 PM nang maganap ang krimen sa Barangay Dibuluan, San Mariano, Isabela.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dumalo ng biktima ng pista sa nasabing lugar at pauwi na sana ito ng bahay ng harangin siya ng suspek.

Dito, walang babalang pinagbabaril ang biktima gamit ang .45 kalibre na baril na tinamaan sa iba’t ibang parte ng katawan na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Agad naman nadakip ng mga rumespondeng pulis ang suspek at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.

Sinabi ng pulisya posibleng paghihiganti ang motibo sa krimen. Mary Anne Sapico