Home METRO Tindero ng kutsinta nahati ang katawan sa van

Tindero ng kutsinta nahati ang katawan sa van

CAMARINES SUR-NAHATI ang katawan ng isang tindero ng kutsinta matapos itong araruhin ng van habang ang una ay naglalako ng kanyang panindang kutsinta, noong Linggo, Mayo 19 sa bayan ng Pamplona.

Kinilala ang biktimang si Rizalde Ramirez, 41-anyos, residente ng Zone 5, Barangay Del Rosario, Pamplona, Camarines Sur.

Sumuko naman sa pulisya ang suspek na kinilala sa pangalan John, 22-anyos at taga Barangay Agdangan Poblacion, Baao, Camarines Sur.

Batay sa report ng Pamplona police station, bandang 6:00 AM nang maganap ang insidente sa Zone 4, Barangay San Gabriel, ng naturang bayan.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, nakahinto ang motorsiklo ng biktima sa tabi ng kalsada sa nasabing lugar ng bigla na lamang itong araruhin ng suspek na driver ng Nissan NV350 Urvan.

Mabilis umano ang patakbo ng suspek at dahil sa nakaidlip ito ay nakaladkad pa niya ng ilang metro ang biktima hanggang sa mahati ang katawan nito na naging sanhi ng agaran kamatayan.

Sumuko naman sa pulisya ang suspek at nangakong magbabayad ng P200,000.00 sa pamilya ng biktima kapalit ng hindi pagsasampa ng kaso laban sa kanya. Mary Anne Sapico