MANILA, Philippines – Isang lalaki ang namatay makaraang pukpukin ng bato sa ulo habang naglalakad sa Brgy. San Agustin 2, Dasmarinas City, Cavite.
Ayon sa nakalap na report, namatay ang biktima na si alyas Noel habang naaresto naman ang suspek na si alyas Darwin.
Base sa imbestigasyon, dakong alas-12:19 ng hapon isang saksi ang nakakita sa pangyayari, kung saan nakita niya ang suspek na nakaupo na tila may hinihintay sa kahabaan ng Sitio Ipilan ng nasabing lugar hanggang sa dumating ang biktima at dito ay kaagad na pinukpok ito sa ulo na nagresulta sa pagkamatay.
Mabilis namang nadakip ang suspek matapos na ireport sa mga opisyal ng barangay ng nakasaksi sa nasabing insidente.
Hindi pa mabatid kung ano ang naging motibo ng suspek sa pagpatay sa biktima na nasa kustodiya ngayon ng DasmariƱas Component Police Station para sampahan ng kaukulang kaso. MARGIE BAUTISTA