MANILA, Philippines – Isang mister ang namatay makaraang pagsasaksakin ng kapitbahay dahil sa Brgy. Molino 2, Bacoor City, Cavite.
Kinilala ang biktimang si alyas Jimmy, nasa hustong gulang ng Brgy Molino 2, ng nasabing lugar subalit namatay habang ginagamot sa Cavite East Medical Center dahil sa tinamong saksak sa katawan.
Pinanghahanap naman ng pulisya ang suspek na si alyas Jerson, kapitbahay ng biktima na tumakas matapos ang insidente.
Ayon sa report, bandang alas-9:30 ng gabi ay nag-iinuman ang biktima at ang kapatid nito sa harap ng kanilang bahay nang dumating ang suspek.
Kinompronta ng suspek ang dalawa at nagreklamo dahil wala umano itong maparadahan ng sasakyan.
Dito na nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa hanggang sa bumunot ng patalim ang suspek at kaagad na inundayan ng saksak ang biktima.
Mabilis na tumakas ang suspek matapos ang pagpatay sa biktima. Margie Bautista