Home METRO Lalaki sa Cebu patay sa heat stroke

Lalaki sa Cebu patay sa heat stroke

MANILA, Philippines – Natagpuang nakalugmok sa sidewalk ng Escario Street sa Barangay Kaputhaw, Cebu City ang isang lalaki nitong Martes ng hapon, Abril 2.

Ayon sa ulat, ang 58-anyos na lalaki na kinilalang si William Go ay natagpuang wala nang buhay sa gilid ng kalsada.

Posibleng dahil sa heat stroke ang sanhi ng pagkasawi ni Go.

Ani Police Senior Master Sergeant Alejandro Tirado, investigator ng Abellana Police Station, wala nang malay at hindi na gumagalaw si Go nang dumating ang mga medic.

Bago ang pagkasawi, nakita pa ng mga saksi ang biktima na sumusuka ng dugo.

“Initial investigation, kini kuno siya nagsige ug suroy-suroy ug sige ug inom. So, mao to nitawag ta ug SOCO. Ang ilang findings pod ani mogawas pod na sa ilang report,” sinabi ni Tirado sa panayam ng Super Radyo Cebu.

Isasailalim sa autopsy ang katawan ni Go upang malaman ang aktwal na dahilan ng pagkasawi nito.

“Wala may assault. Wala may samad nga nakita,” aniya.

“So, posible nga na-heat stroke pud ni siya. Pero atong paabuton lang ang resulta gikan sa doctor,” dagdag pa ni Tirado. RNT/JGC

Previous article1 patay, 56 sugatan sa Taiwan quake
Next articleMonitoring ng DOH sa pagkalat ng pertussis, nagpapatuloy