Home NATIONWIDE 1 patay, 56 sugatan sa Taiwan quake

1 patay, 56 sugatan sa Taiwan quake

TAIWAN – Isa ang nasawi habang aabot sa 56 ang sugatan sa tumamang magnitude 7.5 na lindol sa Taiwan nitong Miyerkules ng umaga, Abril 3.

Sa ulat, naitala ang sentro ng lindol 25 kilometro timog ng eastern county ng Hualien o 138 kilometro mula Taipei.

Nasa 50 katao mula sa Hualien, Yilan, Taipei, New Taipei, Keelung at Taoyuan ang nasaktan matapos mahulugan ng mga gamit at natumba habang nagaganap ang lindol.

Siyam katao naman ang narescue sa walong palapag na gusali na bahagyang gumuho, habang nananatiling na-trap ang lima iba pa.

Bumagsak naman ang kisame ng Taoyuan International Airport ng Taiwan dahil sa lindol, ngunit wala naman umanong nasaktang pasahero.

May mga napinsala rin na pader, nahulog na bricks at debris sa buong isla.

Samantala, isinara naman sa trapiko ang ilang bahagi ng highway sa Hualien at central Taiwan dahil sa mga bumagsak na bato dulot ng lindol. RNT/JGC

Previous articleTsunami warning sa hilagang Luzon, inalis na
Next articleLalaki sa Cebu patay sa heat stroke