Home NATIONWIDE Tsunami warning sa hilagang Luzon, inalis na

Tsunami warning sa hilagang Luzon, inalis na

MANILA, Philippines – Inalis na ng PHIVOLCS ang tsunami warning na itinaas sa mga probinsya ng Batanes Group of Islands, Cagayan, Ilocos Norte, at Isabela.

Batay sa mga datos sa sea level monitoring stations ng PHIVOLCS, “no significant sea level disturbances have been recorded since 07:58 AM up until this cancellation.”

Dahil dito, lumipas na ang posibleng matinding banta ng tsunami kung kaya’t kinansela na ng PHIVOLCS ang naunang itinaas na Tsunami Warning.

Matatandaan na naunang sinabi ng ahensya na posible ang tsunami waves sa mga baybaying dagat sa hilagang Luzon matapos ang magnitude 7.5 na lindol na tumama sa Taiwan nitong Miyerkules ng umaga, Abril 3. RNT/JGC

Previous articleSa kabila ng outbreak: Pagkalat ng pertussis, kontrolado – Herbosa
Next article1 patay, 56 sugatan sa Taiwan quake