Home NATIONWIDE Lalaki timbog sa P76K ‘tangke’ sa Bulacan

Lalaki timbog sa P76K ‘tangke’ sa Bulacan

263
0

Bulacan – Arestado ang isanb lalaki sa iligal na pagbebenta at distribusyon ng LPG products na walang kaukulang awtorisasyon sa operasyon ng mga awtoridad sa lungsod Malolos.

Sa ulat ni PLTCOL Rommel Geneblazo, hepe ng Malolos police station, isinagawa ang operasyon ng LPG Task Group na nakipag-ugnayan sa istasyon bandang 6:00 ng umaga nitong Nobyembre 8 sa McArthur Highway, Brgy. Longos.

Ayon sa ulat, namataan ng mga awtoridad ang Isuzu Travis Utility Van na kargado ng mga LPG cylinder na may tatak na REGASCO habang bumabaybay sa nasabing lugar.

Sa beripikasyon, natukoy na ilegal at walang pahintulot ang mga LPG products kaya agad inaresto ang suspek.

Nakumpiska ang mga LPG cylinder na nagkakahalaga ng P76,500.00 at nasabing sasakyan gamit ng suspek na nahaharap sa kaukulang kaso. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here