Home NATIONWIDE PRC nakahanda na sa hagupit ni Uwan

PRC nakahanda na sa hagupit ni Uwan

270
0

MANILA, Philippines – Naghahanda na ang Philippine Red Cross (PRC) para sa paparating na Bagyong Uwan (Fung-wong), kahit na may patuloy na relief at recovery operations para sa Bagyong Tino (Kalmaegi).

Para sa paghahanda sa paparating na bagyo, pinangunahan ng PRC ang full-scale readiness operation nationwide.

Inihahanda na ng PRC ang mga kagamitan, sasakyan, at supplies. Nakahanda rin ang mga response teams para sa posibleng evacuation support at emergency assistance.

“Kahit na may patuloy na serbisyo sa mga komunidad na apektado ng Bagyong Tino, naghahanda na kami para sa Bagyong Uwan. Tulong sa mga nangangailangan ang aming prayoridad,” sabi ni PRC Chairman at CEO Richard Gordon.

Pinapayuhan ang publiko na mag-ingat, subaybayan ang updates sa panahon, at sundin ang mga advisories ng local authorities. Para sa emergencies, tawagan ang PRC Hotline. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here