Home METRO Lalaking naglalakad tepok sa kotse

Lalaking naglalakad tepok sa kotse

ARGAO, Cebu-PATAY ang isang lalaki matapos mahagip ng kotse habang naglalakad sa kalsada nitong Sabado, Marso 9 sa bayang ito.

Kinilala ang biktimang si Richie Paul Flores, 42-anyos at residente ng Sitio Baha Baha, Barangay Tulic, Argao habang nadakip naman ang suspek na kinilalang si Neil Siglos Pascual, 53, taga Brgy. Maguikay, Mandaue.

Batay sa report ng Argao-PNP, bandang 7:40 PM nang maganap ang insidente sa national highway sa Sitio Baha Baha, Barangay Tulic, ng naturang lungsod.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, naglalakad ang biktima kasama ang mga kaibigan sa nasabing kalsada nang bigla na lamang itong mahagip ng humaharurot na kotseng rent-a-car na minamaneho ni Pascual.

Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ang biktima sa kalsada at tumama ang ulo nito na naging sanhi ng agaran niyang kamatayan.

Nahaharap ngayon sa kasong reckless imprudence resulting to homicide ang suspek. Mary Anne Sapico

Previous article10 sa 18 Filipino sa oil tanker na hinarang ng Iran navy, nakauwi na sa Pilipinas – DFA
Next articleYce Navarro, nilait; Bianca Lapus, bumuwelta!