Home ENTERTAINMENT Yce Navarro, nilait; Bianca Lapus, bumuwelta!

Yce Navarro, nilait; Bianca Lapus, bumuwelta!

Manila, Philippines – Inalmahan ni Bianca Lapus ang below the belt na paninira ng netizens sa kanyang anak na si Yce Navarro.

Si Yce ay anak ni Bianca sa host ng “It’s Showtime” na si Vhong Navarro.

Lumabas kasi ang piktyur ni Yce na kuha sa eksena niya sa “Batang Quiapo” habang nag-e-emote. Inulan ng pintas si Yce sa naging hitsura niya sa piktyur.

Depensa ni Bianca, “Kung anu-ano ang siniabi nila sa anak ko. Tapos may naka-headline pa sa social media na ‘nilait’ ang hitsura ni Yce. “Syempre, kita agad ‘yung word na ‘nilait.’ Kaya ‘yung makakakita nu’n sa social media hindi na babashin ‘yung buong content. Nakapagbuo na agad sila ng conclusion o opinyon sa isip nila na, ‘ah, ganito pala ang anak ni Vhong at ni Bianca.'”

Mabuti na lang at nand’yan ang super supportive at maalagang ina ni Yce na si Bianca. Na sobrang busy din sa mga anak nila ni Jimmy Velasquez at sa left and right na business niya and events.

Gaya na lang last Sunday, back-to-back ang events ni Bianca as a businesswoman.

Nu’ng umaga ay nasa Megatrade Hall sa SM Megamall si Bianca para sa bago niyang produkto, ang Mamu Bebu beauty and skin care.

Kasali ang Mamu Bebu sa Mama Expo distributors ng mga produkto para sa mga mommy sa Megatrade Hall.

Bukod sa pagiging owners ng Mamu Bebu, brand ambassadors din ang mag-inang Bianca at Yce.

After that, tumakbo naman si Bianca sa 2024 Miss Supermodel Worldwide Philippines grand coronation night sa Manila Hotel.

Si Ma. Thea Judinelle Casuncad ang tinanghal na 2024 Miss Supermodel Worldwide Philippines.

Si Thea ang magre-represent sa bansa sa gaganaping 2024 Miss Supermodel Worldwide sa India sa buwan ng Mayo.

Ang Miss Supermodel Worldwide Philippines is a modeling/beauty pageant na pinamamahalaan ni JJ Maghirang.

Si JJ ang Project Director ng MSWP. At siya rin ang Top Shelf Magazine Creative Director, Velvet Studio Founder/ Co-Owner at Velvet Media Inc. President.

Say ni JJ, “We only have two months to prepare para sa Miss Supermodel Worldwide sa India. Kaya puspusan ang training na gagawin ni Thea in preparation for the competition. Kaya tutukan natin siya.”

Anyway, nanalo naman bilang first runner-up si Jan Helen Cruz Villanueva at second runner-up si Mary Joy Persia Suarez. Julie Bonifacio

Previous articleLalaking naglalakad tepok sa kotse
Next articleRobin, na-bash sa Quiboloy issue, nag-react!