Home ENTERTAINMENT Robin, na-bash sa Quiboloy issue, nag-react!

Robin, na-bash sa Quiboloy issue, nag-react!

Manila, Philippines – Ilang araw nang trending topic ang pangalan ni Sen. Robin Padilla dahil sa diumano’y pagtatanggol niya sa kontrobersyal na leader ng Davao-based religious group na Kingdom of Jesus Christ na si Apollo Quiboloy.

Ayon kay Sen. Robin ay tutol siya na i-contempt ito ng Senado dahil diumano’y sa mga kasong kinakaharap nito.

Dahil dito, marami ang bumabatikos sa kanya.

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook account, nag-post ang asawa ni Mariel Rodriguez laban sa mga taong tumutuligsa sa kanya.

Aniya, kulang na kulang daw ang mga abogado sa Pilipinas pero maraming nagpapaka- “attorney” sa social media.

“Sabi ng datos kulang ang mga abogado at huwes sa mga korte ng Pilipinas.

“Mabuti pa pala sa social media daming attorney out law at beauty pageant judges,” ang patutsada ng senador.

“Ang presumption of innocence ay isang legal na prinsipyo na ang bawat taong inakusahan ng anumang krimen ay itinuturing na inosente hanggang sa napatunayang nagkasala.”

Nauna rito ay ipinaliwanag ni Sen. Robin kung bakit siya tutol sa ruling ni Hontiveros.

“Dito sa nakikita ko, kapag nagpatuloy sa ganitong proseso, parang sinasaklawan na natin, magkakaroon ba tayo ng panukala na sasagasaan natin ang religion?

“Papunta na ito. Wala na kay pastor, napupunta na doon sa buong organization. Sa buong religion nila.”

Walang binanggit na mga pangalan si Sen. Robin sa kanyang post pero naniniwala ang mga netizens na para ito sa mga kumokontra sa pagtutol niya sa ruling ni Sen Riza na i-contempt si Quiboloy.

Pinaaaresto na rin ng senadora ang pastor matapos nitong muling hindi dumalo sa pagdinig ng Senado. Rommel Placente

Previous articleYce Navarro, nilait; Bianca Lapus, bumuwelta!
Next articleBolivia inilagay sa state of emergency sa matinding pag-ulan